Monday, November 8, 2010

"BaKit? ? ! ! "

Kahapon lamang ang saya nating nagkukwentuhan,
WAlang patid pa ang ating tawanan,
Subalit bakit ako'y iyong biglaang nilimutan,
At ako'y iyo nalamang iiwanan,

Ano ba aking nagawa upang magalit ka?
Galit o tampo, ano ba talaga?
Bakit parang ako'y naapektuhan na?
Bakit ako ngayon ay lumuluha?

Oh! yhum'coe nangako ka sakin,
Na kahit ano pa ang aking sabihin,
Katanungan mo lang ay aking sagutin,
Ngunit bakit tila pangako'y nilimot muna rin,

Maaari bang sakin ay sabihin mo?
Kung anong dahilan at ika'y biglang nagbago?
Sa piling ko'y bigla nalang naglaho,
Bakit bigla nalamang tayong nagkalayo?

Bakit sa wari ko'y ang gulo,
Sa mga pangyayari ako man ay nalilito,
Ano ba ang nangyayaring ito?
Bakit tila may mensaheng nais isapuso?

Ang pagmamahal na ipinahihiwatig mo,
Dapat ba talagang suklian ko?
Ito ba'y binigay mo sakin,
Upang ito'y maging utang na luob ko man din,

Buong gabi sa txt mo'y ako'y naghintay,
Sa cellphone ko rin ay nagbantay,
Habang sa higaan ko ako'y nakahimlay,
Ngunit tila pagkakaibigan ay nawalan ng saysay,

Ano ba ang aking dapat gawin?
Upang magbalik ang pagkakaibigan natin?
Iwasto na natin ang mga mali,
Upang masayang samahan ay manatili muli, . .

Monday, November 1, 2010

"Skater Boy"


Isang binatang aking nakilala,
Minsan ko na rin syang nakasama,
At naging madalas ang bonding naming dalawa,
Kasama ang ilan pang barkada,

Saya sa aming barkadahan,
Walang awayan at tampuhan,
Kami'y nagkakaisa't nagmamahalan,
Isa na si SKater Boy, Jerome ang ngalan,

Skate BOard ang nais nyang toy,
Kaya't sya'y tinawag na Skater boy,
Sya dinay may pagkahilig sa gitara,
Boses nya rin ay maganda pag kumakanta, . . .

Thursday, October 28, 2010

"Para sayo JEROME"


Saya ko'y walang kapantay,
Tuwing ika'y nasa tabi't naka antabay,
Sa bawat pagsubok ika'y nakaalalay,
Kaya't buhay ko'y nagkaro'n ng saysay,

Sa mga araw at panahong nagdaraan,
Lalong gumaganda ang ating samahan,
Tumitibay rin ang ating pagkakaibigan,
Na mula noon ay ating pinahahalagahan,

Sana'y magpatuloy pa ang pagtitiwalaan,
Upang tumagal at manatili ang ating pagkakaibigan,
Huwag mabuwag ng kahit sino man,
Hindi masira ng kahit ano mang nilalang,

Mga alaalang minsan ay napasa atin,
PAhahalagahan ko't di lilimutin,
Sayo'y pinapangako't sinusumpa ko rin,
Magpapakatatag ako sa kahit anong pagsubok na darating,

Ang paninirira ng kapwa'y babaliwalain,
Ano man ang satin kanilang isipin,
Wag nalang paapekto't wag pansinin,
Wala lang silang magawa't naiinggit sa atin. .

Wednesday, October 27, 2010

"ANG PAGKAKAKILALA"

Mula ng ikaw ay aking nakilala,
Ako'y sadyang naging masaya,
Ikaw ay itunuring ko ng kabarkada,
At lagi na kitang kasakasama,

Sana'y magpatuloy pa ito,
At lalo pa sanang magkasundo,
Ikaw ay kaibigang totoo,
Di maglilihim sayo,

Sana'y wag mong limutin ang ngalan ko,
Manatili sana ito sayong puso,
Lalo na ang pinag samahan nating totoo,
Wag na sanang magkalayo. . .

Sunday, October 10, 2010

" 1 4 3 "




Mula ng ikaw ay aking nakilala,
Ninais ko ng maging akin ka,
Ngunit alam kong kanya kana,
Kaya hanggang sulyap nalang aking ginagawa,

Araw at gabi ako ay lumuha,
Lalo na't makitang kapiling ka nya,
Kung bakit pa kasi pinili mo pa sya,
Samantalang heto ako mahal na mahal ka,

Ako'y nais ng magsalita,
Isigaw ang tunay na nadarama,
Subalit ayaw kong kayo'y magkasira,
Kaya kinikimkim nalang ang nais na isabunganga,

Itong tula ay aking ginawa,
Hindi para ako ay manira,
Kundi ginawa ng isang makata,
Upang salitang "MaHaL kItA" ay maiwika....

"MiSs yOu sO mUch"


Nais ng matul0g pagkat inaantok,
Ngunit hindi magawa sa dami ng lamok,
Heto ako ngayon naka upo at nalulungkot,
Walang ginagawa at bagot na bagot,

Laging hawak ang litrato,
Noong magkasama pa tayo,
Alaala nasa aki'y bigay mo,
Hanggang ngayo'y nasa isipan ko,

Nasaan ka ba Oh aking sinta?
Hinihintay at hinahanap kita,
Sino na nga ba ngayon ang iyong kasama?
Ako ay nalulungkot nasaan ka ba?

Bakit ika'y umalis ng di nagpapaalam?
Bakit di mo pansin ang aking pagdaramdam,
Kailan mo nga ba ako babalikan?
Kailan ba kita muling mahahagkan?

Thursday, October 7, 2010

"Don't you care"

If you don't love me, why don't you tell me?
Instead of telling me lies and making me cry,
If you don't want me, why don't you tell me?
Instead of running around with all others in town,

Whatever happened to all the good times we used to have,
The times we cried and laugh,
I wanna know will you ever love me again?
Or will found out that this is the end,

You said that you leave me, why you ever leave me,
I'm standing here all alone without you on my own,
Can't you your hurting me?
Don't you care, . . Don't you care for me. . .

"PAHIRAM?"

Iniibig kita ng tunay,
Ngunit sakin ika'y nakipaghiwalay,
Ngayo'y tila wala ng saysay,
Dahil wala ka na saking buhay,

Ano ba ang aking nagawa?
Ano ba ang maling naipakita?
Bakit sa piling ko ikaw ay nawala?
Sabihin sakin ano aking pagkakasala?

Ikaw ba'y isa lang pahiram?
Ikaw ba'y dumating upang ako'y pahirapan?
Ikaw ba sa buhay ko'y minsan lang daraan?
Mahal ko, sagutin mo aking katanungan..

Lagi ka noong pinagdadasal,
Upang ibigay sakin ng may kapal,
Ikaw ay hinintay ng kay tagal,
Subalit ako'y bakit hindi mo minahal?

Ikaw ay mahirap kalimutan,
Dahil iniibig kita ng lubusan,
Ngunit para sa iyong kaligayahan,
Ito ay gagawin kahit ako'y masasaktan. . . .

Saturday, October 2, 2010

"Ang aking irog"

Malugud ko sayo ipapakilala,
Ang nag iisa't natatangi kong sinta,
"Jerome" ngalan nya,
Sya'y mahal kong talaga,

Sino man ang sami'y humadlang,
Pag-ibig nami'y di mahahadlangan ng sinu man,
Iibigin ko sya ng buo't walang alinlangan,
Kahit marami ang sa daan namin ang humarang,

Pag-ibig na wagas at totoo,
Di maaring mabuwag ng kahit sino,
Di magpapasira sa kahit sinong tao,
Pagkat tunay na pagmamahal ang nasa puso....

"Sa iyong paglisan"

Mula ng tayo ay maging magkaibigan,
Nahulog ang loob ko ng biglaan,
Nakuha mo ang tiwala ko ng lubusan,
Na maging ang problema ko'y ikaw rin ang pinagsasabihan,

Subalit isang pangyayari ang di inaasahan,
Dito sa ating samahan ikaw ay lilisan,
Nakakalungkot pagkat ako'y iyong iiwanan,
Ikaw na naging kaibigan ko at sandalan,

Alam ko na sa iyong pupuntahan,
Malulunasan dato ang iyong karamdaman,
Isa lang ang aking kahilingan,
Sa iyong pupuntahan ako'y wag kakalimutan,

Mahalaga ka para sa akin,
At ko kayang tuluyan mo akong lisanin,
SA iyong paglisan aking ipapanalangin,
Ang iyong kalusuga't mabilisang paggaling...

Friday, September 3, 2010

"Kahilingan ko ay pagbigyan"

Ballpen ko'y paubos ng tinta,
Kwaderno ko'y bilang na ang pahina,
Sinusulat lagi ngalan ng aking sinisinta,
Jerome Mejico Velasquez ang pangalan nya,

Sabihin man nila na ako ay tanga,
Ano bang magagawa nila eh sa mahal kita,
Kahit na tayo'y magkalayo sa isa't isa,
Ikaw pa rin sa puso ko ang nag-iisa,

Huwag ka sanang lalayo,
Huwag hahayaang puso ko'y mabigo,
Pagkat ikaw ang buhay ko,
Na nagpapasaya sa aking mundo,

Sa tulang ito isa lang ang nais ipaalam,
Pag-ibig ko sayo'y di nila kayang pantayan,
Isang kahilingan lang ang aking iiwanan,
Pag-ibig ko sayo sana'y iyo ring suklian.....

"Nag-iisa kong Tart"

Mahal kita higit pa sa inaakala mo,
At di ko kayang mawala ka sa buhay ko,
Ikaw lang ang nakatatak sa puso kong ito,
Asahan pagmamahal ko'y di magbabago,

Kahit na ako ngayo'y iyong iwan,
At kahit na ako'y lagi mong saktan,
Ang mananatiling mahal ay ikaw lang,
Ang magkalayo tayo ay di ko hahayaan,

Di ko maikakailang iniibig kita,
At sana'y ganun din ang iyong nadarama,
Masaya ako na ikaw ay aking nakilala,
At buong buhay ko'y sayo lang inaalay talaga,

Tart ko aking ipapaalam,
Na kahit ilang beses mo akong saktan,
Hindi kita ipagpapalit at kalilimutan,
Dahil mahal kitang talaga at laging iingatan,

Palagi man tayong magkasama,
Ako'y di magsasawa sayo sinta,
At dito sa puso ko ikaw ay nag-iisa,
Ikaw lang Tart ko at wala ng iba...

Saturday, July 17, 2010

"BHEI"

Ika'y nakasama ko sa isang saglit,
Paghkakaibigan ang inihirit,
Pagiging close ang ipinilit,
NAtapos nalang bigla ng ako'y pumikit,

Oh! aking BHEI anong nangyari?
Bakit aking di mawari?
AKo ba'y naging maka sarili?
Ano ang sayo'y naging pagkakamali?

Ako'y naninibago sa ating samahan,
Tayo'y biglang nagka-i-langan,
Anong nangyari bat naging ganito?
Ang pagkakaibigang meron tayo?

Sana'y di nalang tayo nagkakilala,
Upang di nalang naging ganito bigla,
Pagkat ako'y nahihirapan na,
At nasasaktan na rin tuwina.....

Saturday, July 3, 2010

ANGEL

A-ng galing mong gumawa ng tula
wala kang katulad sa pagiging makata
marami sa iyo ang humahanga
dahil sa akda mo na kamangha-mangha

N-ais ko sana ay iyong malaman
labis kitang hinahangaan
pambihira ang iyong kakayahan
angkin mong talino di matatawaran

G-usto kong sabihin ako ay nagagalak
pagkat nakilala ka kaibigang liyag
sa mga akda mong sa puso nagbuhat
taos pusong paghanga laging 'ginagawad

E-spesyal ka para sa akin
kaya kahit pano sinubukan ko rin
hindi man makatang tunay na magaling
para lang sa iyo naging malikhain

L-agi mo sanang tatandaan
ika'y aking idolong girlfriend hirang
saan man makarating wag kalilimutan
ako'y iyong tagahanga ngayon at kaylanman...

Friday, July 2, 2010

MAsaya di na mag-iisa

ako'y naririto lumalapit sayo
ako kaya'y matanggap mo?
pag ibig sayo sa puso ko namumuo,
ako'y seryoso at di nagbibiro

lungkot ko'y aking papawiin
pangako kong di ka lilisanin
pagkat sa aking damdamin
ika'y aking pasisiyahin

wag kang mag-alala sinta
masaya di kana mag-iisa
pagkat ako'y nandito na
sa buhay mo't di na mawawala pa

mahal kita at mamahalin pa
maniwala ka sakin sinta
di ako nambobola
totoo ang sinasabi ko tuwina

ika'y pasisiyahin ko pangako ito
pagkat ikaw ay sadyang iniibig ko
ako'y tanggapin mo sa buhay mo
at masaya di kana mag-iisa

"ITyuserang"

Para tayong mga bata
naghahabulan sa kalsada
pinagtitinginan tayo ng iba
pero wala tayong paki sa kanila

ityuserang palaka lang pala
kala ko naman sinong umieksena
paepal lang naman sila
gusto pa atang bumida

agaw pansin gusto nila
dating naman ay pangkontra
wala naman silang mapapala
sa pagiging ityusera

walang ibang isabubunganga
kundi ang tsismis nila
sa buong baryo inaarangkada
nais pa atang sa TV ibalita

Pati tayo napansin pa
binigyan rin ng salita
mga di totoong kataga
ang kanilang ipinamamalita

" TAkot na akong umibig"

Ako'y minsan ng nabigo
sinaktan na nga kanya pang ginago
sa sobrang sakit ng nadama ko
muhi at poot sa puso namuo

sinarado na ito sa iba
kahit ako'y bata pa
ayaw ng magmahal pa
pagkat ako ay takot na

sabi nila nasasabi ko lamang ito
pagkat ako'y nasaktan ng husto
kahit ako'y nagmahal ng totoo
ako'y kanyang linaro at di sineryoso

ang umibig ako'y takot na,
pagkat ayaw ko ng masaktan pa
ako'y sobrang nadala
sa kanyang ginawa

pag-ibig nyo sa akin wag ng ipilit
hwag na rin kayong mangulit
itigil na ang paghirit
pagkat ako'y di nyo mapipilit...

"DUWAG"

Marami pa kong di nararanasas
marami pang dapat subukan
ngunit ako'y natatakutan
ayaw kong sundin ang nararamdaman

Alam kong sa kanya'y umiibig na ako,
subalit ayaw ko paring magpakatotoo,
nais maitanong "ako ba'y mahal mo?"
ngunit takot ang nasa isipa't puso ko

Duwag ang tawag nila
ngunit ito'y aking binabalewala
ako'y duwag ito'y aking napuna
pag iyong kinakausap di man lang makapagsalita

lalo na pag andyan ka na
sa king harapan at nakatingin sa aking mata
pag sasabihin ang kataga
parang kinder na alam lang ang abakada

ang boses ko'y nanginginig
ako sayo'y sadyang umiibig,
ngunit pano ko sayo maipapahiwatig
kung ang puso ko'y duwag at di ko maisatinig

Monday, June 28, 2010

"Bakit ba?"

Bakit bigla na lang ika'y inibig ko?
Nang wala man lang pag aalinlangan sayo,
Nais ko'y ipadama ang nararamdaman ko,
Subalit baka ako'y mabigo lamang sa pag ibig mo,

Sinta kong kay bait,
Paumanhin kung ako'y makulit,
Pero di ko naman sayo ipipilit,
Ako lamang ay may huling hirit,

Makasama ka ulit ng matagal,
Upang maipadama ang aking pagmamahal,
Eto lamang ang kahilingan ko,
Sana'y mapagbigyan mo ito.

Alam kong ito'y mahirap paniwalaan,
pero ako'y nahulog sayo ng tuluyan,
Pagkat nagkasama tayo ng minsan,
At ako'y umibig na sayo ng lubusan........

Friday, June 25, 2010

" Bakit Pangako’y Nilimot Mo? "


Bakit pangako’y nilimot mo?
Sabi mo mamahalin mo ako
Sabi mo kahit anong mangyari man
Tayong dalawa lang hanggang sa walang hanggan.

Bakit pangako’y nilimot mo?
Sabi mo ako ay iingatan
Puso koy hindi mo sasaktan
Hindi ipagpapalit kanino man.

Bakit pangako’y nilimot mo?
Sabi mo pagmamahalan natin ay iyong ipaglalaban
Kahit ano mang maging hadlang
Ako’y wag mangamba dahil ikaw ay laging andiyan.

Bakit pangako’y nilimot mo?
Nagtiwala sa iyo ang aking puso.
Ngayon ako ay isang bigo
Dahil sa ako ay iyong niloko.

" Bakit Kaya? "


Bakit kaya ang puso ay umiibig pa?
Bakit kaya ang puso ay nasasaktan?
Bakit kaya hindi maging isang bato nalang?
Nang sa ganon ang puso ay di magdaramdam.

O sadyang kayhirap unawain
Kung bakit ganito ang nangyayari sa akin
Hindi ko alam kung ano ang gagawin
Nang hindi na masaktan ang aking damdamin.

Bakit kaya kapag ako’y umiibig na
Bakit kaya bigla namang nawawala
Bakit kaya may pag-ibig pa
Di sana’y tahimik ang puso ko’t kaluluwa.

Bakit kaya kayhirap limutin?
Bakit kaya kayhirap tiisin?
Bakit kaya kaysaklap isipin?
Ang pag-ibig ay kaylupit sa akin.

Pilitin mang limutin ka
O bakit kayhirap magawa
Laging sa isipan ikaw ang nagugunita
Sa lahat ng araw…, mapagabi man o umaga.

" Mahal Ka Nang Diyos "

Buhay niya’y sa iyo hindi ipinagkait
Upang kaligtasan iyong makamit
Nagtiid sa hirap at pasakit
Walang hanggang kaligayahan ang kapalit

Masdan mo ang kalikasan
Tingnan mo ang mga tao sa kapaligiran
Ang lahat ay parang walang pakialam
Sa ibinigay sa atin na kaligtasan.

Huwag sanang mangyari na ikaw ay tumulad sa kanila
Sa masasamang gawa nila’y gumaya ka
At kahit saan sila magpunta
Baka ikaw rin ay sumama.

Huwag mong kalimutan
Iyo laging pakatandaan
Na si Hesus lagi sa iyo naghihintay
Na iyong pansinin ang kanyang pananawagan.

Buong araw Siya’y nag-aabang
Sa iyo na Kanyang mahal
Lagi mo sanang pakatandaan
Na mahal ka ng Diyos, maging sino ka man.

" Ano? "


Bakit napakaaga ko naman sayo umibig
Nagkakilala tayo sa isa lamang saglit
Puso ko’y nabihag mo, o bakit?
Ngayon ikaw na ang laging nasa isip.

Nararamdaman ngayon ay di matanto
Ako nga ba ay umiibig sa iyo
Baka paghanga lamang ito
Dahil sa akin ay napakabuti mo.

Sa tuwing kausap ka
Langit ang nadarama
Sa tuwing ikaw naman ay wala
Kaagad naman itong nangangamba.

Nakita ba sa iyo ay ano
Kung bakit ngayon ako ay nagkaganito
Ngayon tuloy nalilito ang aking puso
Pag-ibig o paghanga lang ba ito.

" Masaktan Man, Basta’t Ika’y Akin "


Tandang- tanda ko ang araw na nagkakilala tayo


Hindi kailan man lilimutin ang isang katulad mo
Tuwa’t galak ang dulot sa puso kung ito
Kaya sa iyo’y nangangako na hindi magbabago.

Minamahal kita higit sa buhay ko.
Kahit batid kong iba ang mahal mo.
Hindi papansinin, ang aking damdamin
Masaktan man basta’t ika’y akin.

Kailan ba ang tamang panahon para sa ating dalawa?
Kailan ba maging ganap na akin ka, sinta?
Kailan ba matitiyak na tayo nga ang para sa isa’t-isa?
Kailan ba malalaman na ako nalang sa puso mong nag-iisa?

Minamahal kita mula noon hanggang ngayon.
Maging bukas at sa lahat ng panahon.
Kaya’t sa Diyos ay wala ng hihilingin pa
Kundi sa habam-buhay kita’y makasama.

Sa Diyos lagi kong dinadalangin
Ang pag-ibig mo sana ay ibigay lamang sa akin.
Nawa sa iba ay huwag agawin
Nang masaktan ang puso ay hindi dadanasin.

” Akala Ko Ay Tayo Na “



" Akala Ko Ay Tayo Na "

Hindi ko alam kung anong gagawin
Kung mangyari mang mawalay ka sa akin.
Gayong ngayon nasanay na
Ikaw ang laging kapiling.

Ano ba ang sa iyo’y nagawa?
Bakit ako ay ipinagpalit sa iba?
Buong puso sa iyo’y nagmahal naman sana
Bakit pagmamahal na para sa akin ibinigay mo sa kanya?

Akala ko ay tayo na
Habang buhay ay magsasama.
Kapwa tayong nangako sa isa’t-isa
Hanggang sa walang hanggan tayo lang dalawa.

O kay bilis mo naman yatang nagbago
Mga pangako’y agad nilimot mo.
Mga sinumpaang binitawan
Hindi mo tinupad at ako’y iyong iniwan.

Ngayon ako ay nasasaktan
Nag-iisa’t puso ko’y sugatan
Nagdurugo ngunit wala kang pakialam

Tanging iniisip mo lang ay ang sariling kaligayahan.

“Kailan Ka Muling Magigisnan?

Isang tanong ang laging nasa isipan
Isang tanong na hindi malaman ang kasagutan
Kasagutan na hangad kaagad na makamtan
Kailan ka muling magigisnan?

Ngayon ay di na kita makakasama
Dahil sa piling mo ay iba na
Bagkus buhay lagi sa aking alaala
Ang pagmamahalang pinagsaluhan
nating dalawa.

Ang muling magisnan ka ay
inaasam-asam parin
Makita kang muli at makapiling.
Ngunit kung ito hindi ipagkaloob
ng panahon sa akin
Ako’y patuloy pa rin na aasa sa
muli mong pagdating.

Hindi na ako ang nasa piling mo,
Subalit sa dalangin di ka mawawaglit.
Kaya’t sa iyo ay aking ipinapangako
Hindi ka lilimutin kahit ni isang saglit.

dito sa wedsite

Dito ko sasabihin
sinisigaw ng aking damdamin
umaasa nasa iyong mahalin
ito ang aking panalangin


Sa bawat araw na lumilipas
kailangan bang ihayag at ipamalas
ang tunay nitong lunas
sa puso kong pumapagaspas

Pilit man ibuka ang bibig
ngunit di masabi kanyang hilig
nauunahan ng hiya sa kanyang iniibig
hanggang sa mga tingin at titig

Naghihintay ng pagkakataon
katulad ng isang alon
dadampi ang malamig na hangin
sa pagmamahal ko sana'y dinggin...

Saturday, May 8, 2010

PARA Sayo!!!

Ito ang iyong munting hiling
na aking dininig,
isang website na kung saan,
mundo mo'y maririnig...

alam kong kakayahan mo'y
may mararating
pagkat ika'y ubod ng galing
dahil diyan may kiss ka sakin

nilikha ko ito
na bukal sa dibdib,
nais ko lamang
mundo mo'y marinig

pagkat ang mundo mo'y
kay hirap intindihin
dahil sa tula mo'y
puso ko'y umintindi na rin.