Friday, June 25, 2010

” Akala Ko Ay Tayo Na “



" Akala Ko Ay Tayo Na "

Hindi ko alam kung anong gagawin
Kung mangyari mang mawalay ka sa akin.
Gayong ngayon nasanay na
Ikaw ang laging kapiling.

Ano ba ang sa iyo’y nagawa?
Bakit ako ay ipinagpalit sa iba?
Buong puso sa iyo’y nagmahal naman sana
Bakit pagmamahal na para sa akin ibinigay mo sa kanya?

Akala ko ay tayo na
Habang buhay ay magsasama.
Kapwa tayong nangako sa isa’t-isa
Hanggang sa walang hanggan tayo lang dalawa.

O kay bilis mo naman yatang nagbago
Mga pangako’y agad nilimot mo.
Mga sinumpaang binitawan
Hindi mo tinupad at ako’y iyong iniwan.

Ngayon ako ay nasasaktan
Nag-iisa’t puso ko’y sugatan
Nagdurugo ngunit wala kang pakialam

Tanging iniisip mo lang ay ang sariling kaligayahan.

No comments:

Post a Comment