Friday, June 25, 2010

" Bakit Pangako’y Nilimot Mo? "


Bakit pangako’y nilimot mo?
Sabi mo mamahalin mo ako
Sabi mo kahit anong mangyari man
Tayong dalawa lang hanggang sa walang hanggan.

Bakit pangako’y nilimot mo?
Sabi mo ako ay iingatan
Puso koy hindi mo sasaktan
Hindi ipagpapalit kanino man.

Bakit pangako’y nilimot mo?
Sabi mo pagmamahalan natin ay iyong ipaglalaban
Kahit ano mang maging hadlang
Ako’y wag mangamba dahil ikaw ay laging andiyan.

Bakit pangako’y nilimot mo?
Nagtiwala sa iyo ang aking puso.
Ngayon ako ay isang bigo
Dahil sa ako ay iyong niloko.

1 comment:

  1. The best bonuses of 2021 - Casinooland 온카지노 온카지노 다파벳 다파벳 rb88 rb88 553Hot Sauces - Shooting Casino

    ReplyDelete