Monday, June 28, 2010

"Bakit ba?"

Bakit bigla na lang ika'y inibig ko?
Nang wala man lang pag aalinlangan sayo,
Nais ko'y ipadama ang nararamdaman ko,
Subalit baka ako'y mabigo lamang sa pag ibig mo,

Sinta kong kay bait,
Paumanhin kung ako'y makulit,
Pero di ko naman sayo ipipilit,
Ako lamang ay may huling hirit,

Makasama ka ulit ng matagal,
Upang maipadama ang aking pagmamahal,
Eto lamang ang kahilingan ko,
Sana'y mapagbigyan mo ito.

Alam kong ito'y mahirap paniwalaan,
pero ako'y nahulog sayo ng tuluyan,
Pagkat nagkasama tayo ng minsan,
At ako'y umibig na sayo ng lubusan........

No comments:

Post a Comment