Friday, June 25, 2010

" Bakit Kaya? "


Bakit kaya ang puso ay umiibig pa?
Bakit kaya ang puso ay nasasaktan?
Bakit kaya hindi maging isang bato nalang?
Nang sa ganon ang puso ay di magdaramdam.

O sadyang kayhirap unawain
Kung bakit ganito ang nangyayari sa akin
Hindi ko alam kung ano ang gagawin
Nang hindi na masaktan ang aking damdamin.

Bakit kaya kapag ako’y umiibig na
Bakit kaya bigla namang nawawala
Bakit kaya may pag-ibig pa
Di sana’y tahimik ang puso ko’t kaluluwa.

Bakit kaya kayhirap limutin?
Bakit kaya kayhirap tiisin?
Bakit kaya kaysaklap isipin?
Ang pag-ibig ay kaylupit sa akin.

Pilitin mang limutin ka
O bakit kayhirap magawa
Laging sa isipan ikaw ang nagugunita
Sa lahat ng araw…, mapagabi man o umaga.

No comments:

Post a Comment