Monday, November 8, 2010

"BaKit? ? ! ! "

Kahapon lamang ang saya nating nagkukwentuhan,
WAlang patid pa ang ating tawanan,
Subalit bakit ako'y iyong biglaang nilimutan,
At ako'y iyo nalamang iiwanan,

Ano ba aking nagawa upang magalit ka?
Galit o tampo, ano ba talaga?
Bakit parang ako'y naapektuhan na?
Bakit ako ngayon ay lumuluha?

Oh! yhum'coe nangako ka sakin,
Na kahit ano pa ang aking sabihin,
Katanungan mo lang ay aking sagutin,
Ngunit bakit tila pangako'y nilimot muna rin,

Maaari bang sakin ay sabihin mo?
Kung anong dahilan at ika'y biglang nagbago?
Sa piling ko'y bigla nalang naglaho,
Bakit bigla nalamang tayong nagkalayo?

Bakit sa wari ko'y ang gulo,
Sa mga pangyayari ako man ay nalilito,
Ano ba ang nangyayaring ito?
Bakit tila may mensaheng nais isapuso?

Ang pagmamahal na ipinahihiwatig mo,
Dapat ba talagang suklian ko?
Ito ba'y binigay mo sakin,
Upang ito'y maging utang na luob ko man din,

Buong gabi sa txt mo'y ako'y naghintay,
Sa cellphone ko rin ay nagbantay,
Habang sa higaan ko ako'y nakahimlay,
Ngunit tila pagkakaibigan ay nawalan ng saysay,

Ano ba ang aking dapat gawin?
Upang magbalik ang pagkakaibigan natin?
Iwasto na natin ang mga mali,
Upang masayang samahan ay manatili muli, . .

1 comment:

  1. Dapt bang mag ganon gayong may binitawan kang salita sa isang tao at nangako ka,. . kaya tama nga yung saying a. .

    "PROMISE ARE WORST THAN LIES"

    ReplyDelete