Monday, April 18, 2011

"Buhay nga naman"

Ako'y hirap na hirap na,
dala-dala ang maraming problema,
kasabay ng aking padurusa,
sa mga mahal kong nawala,

pinaglalaruan ako ng tadhana,
pati ng panahong mapag alipusta,
nasaan na ang saya?
na dapat aking tinatamasa,

lahat ako akong nagdurusa,
lahat ako ang namumublema,
mga bagay na di ko na kaya,
ay pilit pa ri sakin pinagagawa,

nais ko ng magpahinga,
sabihin lahat ay tapos na,
kahit ang iba'y di pa nagawa,
sa lahat lang ay makawala,

buhay nga naman mapaglarong sadya,
buhay nga naman ang gulong talaga,
buhay nga naman ayaw ko na,
suko na ko ayaw na talaga, . . .

No comments:

Post a Comment