Saturday, October 2, 2010

"Sa iyong paglisan"

Mula ng tayo ay maging magkaibigan,
Nahulog ang loob ko ng biglaan,
Nakuha mo ang tiwala ko ng lubusan,
Na maging ang problema ko'y ikaw rin ang pinagsasabihan,

Subalit isang pangyayari ang di inaasahan,
Dito sa ating samahan ikaw ay lilisan,
Nakakalungkot pagkat ako'y iyong iiwanan,
Ikaw na naging kaibigan ko at sandalan,

Alam ko na sa iyong pupuntahan,
Malulunasan dato ang iyong karamdaman,
Isa lang ang aking kahilingan,
Sa iyong pupuntahan ako'y wag kakalimutan,

Mahalaga ka para sa akin,
At ko kayang tuluyan mo akong lisanin,
SA iyong paglisan aking ipapanalangin,
Ang iyong kalusuga't mabilisang paggaling...

1 comment: