Sunday, October 10, 2010

"MiSs yOu sO mUch"


Nais ng matul0g pagkat inaantok,
Ngunit hindi magawa sa dami ng lamok,
Heto ako ngayon naka upo at nalulungkot,
Walang ginagawa at bagot na bagot,

Laging hawak ang litrato,
Noong magkasama pa tayo,
Alaala nasa aki'y bigay mo,
Hanggang ngayo'y nasa isipan ko,

Nasaan ka ba Oh aking sinta?
Hinihintay at hinahanap kita,
Sino na nga ba ngayon ang iyong kasama?
Ako ay nalulungkot nasaan ka ba?

Bakit ika'y umalis ng di nagpapaalam?
Bakit di mo pansin ang aking pagdaramdam,
Kailan mo nga ba ako babalikan?
Kailan ba kita muling mahahagkan?

1 comment: