Thursday, October 7, 2010

"PAHIRAM?"

Iniibig kita ng tunay,
Ngunit sakin ika'y nakipaghiwalay,
Ngayo'y tila wala ng saysay,
Dahil wala ka na saking buhay,

Ano ba ang aking nagawa?
Ano ba ang maling naipakita?
Bakit sa piling ko ikaw ay nawala?
Sabihin sakin ano aking pagkakasala?

Ikaw ba'y isa lang pahiram?
Ikaw ba'y dumating upang ako'y pahirapan?
Ikaw ba sa buhay ko'y minsan lang daraan?
Mahal ko, sagutin mo aking katanungan..

Lagi ka noong pinagdadasal,
Upang ibigay sakin ng may kapal,
Ikaw ay hinintay ng kay tagal,
Subalit ako'y bakit hindi mo minahal?

Ikaw ay mahirap kalimutan,
Dahil iniibig kita ng lubusan,
Ngunit para sa iyong kaligayahan,
Ito ay gagawin kahit ako'y masasaktan. . . .

No comments:

Post a Comment