Friday, September 3, 2010

"Nag-iisa kong Tart"

Mahal kita higit pa sa inaakala mo,
At di ko kayang mawala ka sa buhay ko,
Ikaw lang ang nakatatak sa puso kong ito,
Asahan pagmamahal ko'y di magbabago,

Kahit na ako ngayo'y iyong iwan,
At kahit na ako'y lagi mong saktan,
Ang mananatiling mahal ay ikaw lang,
Ang magkalayo tayo ay di ko hahayaan,

Di ko maikakailang iniibig kita,
At sana'y ganun din ang iyong nadarama,
Masaya ako na ikaw ay aking nakilala,
At buong buhay ko'y sayo lang inaalay talaga,

Tart ko aking ipapaalam,
Na kahit ilang beses mo akong saktan,
Hindi kita ipagpapalit at kalilimutan,
Dahil mahal kitang talaga at laging iingatan,

Palagi man tayong magkasama,
Ako'y di magsasawa sayo sinta,
At dito sa puso ko ikaw ay nag-iisa,
Ikaw lang Tart ko at wala ng iba...

1 comment:

  1. Talagang sya lang ba? kung sabagay obvious naman.. mahal na mahal mo nga talaga noh>>?
    pasensya na itsuserang palaka lang haha<<:

    ReplyDelete