Friday, June 25, 2010

" Masaktan Man, Basta’t Ika’y Akin "


Tandang- tanda ko ang araw na nagkakilala tayo


Hindi kailan man lilimutin ang isang katulad mo
Tuwa’t galak ang dulot sa puso kung ito
Kaya sa iyo’y nangangako na hindi magbabago.

Minamahal kita higit sa buhay ko.
Kahit batid kong iba ang mahal mo.
Hindi papansinin, ang aking damdamin
Masaktan man basta’t ika’y akin.

Kailan ba ang tamang panahon para sa ating dalawa?
Kailan ba maging ganap na akin ka, sinta?
Kailan ba matitiyak na tayo nga ang para sa isa’t-isa?
Kailan ba malalaman na ako nalang sa puso mong nag-iisa?

Minamahal kita mula noon hanggang ngayon.
Maging bukas at sa lahat ng panahon.
Kaya’t sa Diyos ay wala ng hihilingin pa
Kundi sa habam-buhay kita’y makasama.

Sa Diyos lagi kong dinadalangin
Ang pag-ibig mo sana ay ibigay lamang sa akin.
Nawa sa iba ay huwag agawin
Nang masaktan ang puso ay hindi dadanasin.

No comments:

Post a Comment