Saturday, July 17, 2010

"BHEI"

Ika'y nakasama ko sa isang saglit,
Paghkakaibigan ang inihirit,
Pagiging close ang ipinilit,
NAtapos nalang bigla ng ako'y pumikit,

Oh! aking BHEI anong nangyari?
Bakit aking di mawari?
AKo ba'y naging maka sarili?
Ano ang sayo'y naging pagkakamali?

Ako'y naninibago sa ating samahan,
Tayo'y biglang nagka-i-langan,
Anong nangyari bat naging ganito?
Ang pagkakaibigang meron tayo?

Sana'y di nalang tayo nagkakilala,
Upang di nalang naging ganito bigla,
Pagkat ako'y nahihirapan na,
At nasasaktan na rin tuwina.....

Saturday, July 3, 2010

ANGEL

A-ng galing mong gumawa ng tula
wala kang katulad sa pagiging makata
marami sa iyo ang humahanga
dahil sa akda mo na kamangha-mangha

N-ais ko sana ay iyong malaman
labis kitang hinahangaan
pambihira ang iyong kakayahan
angkin mong talino di matatawaran

G-usto kong sabihin ako ay nagagalak
pagkat nakilala ka kaibigang liyag
sa mga akda mong sa puso nagbuhat
taos pusong paghanga laging 'ginagawad

E-spesyal ka para sa akin
kaya kahit pano sinubukan ko rin
hindi man makatang tunay na magaling
para lang sa iyo naging malikhain

L-agi mo sanang tatandaan
ika'y aking idolong girlfriend hirang
saan man makarating wag kalilimutan
ako'y iyong tagahanga ngayon at kaylanman...

Friday, July 2, 2010

MAsaya di na mag-iisa

ako'y naririto lumalapit sayo
ako kaya'y matanggap mo?
pag ibig sayo sa puso ko namumuo,
ako'y seryoso at di nagbibiro

lungkot ko'y aking papawiin
pangako kong di ka lilisanin
pagkat sa aking damdamin
ika'y aking pasisiyahin

wag kang mag-alala sinta
masaya di kana mag-iisa
pagkat ako'y nandito na
sa buhay mo't di na mawawala pa

mahal kita at mamahalin pa
maniwala ka sakin sinta
di ako nambobola
totoo ang sinasabi ko tuwina

ika'y pasisiyahin ko pangako ito
pagkat ikaw ay sadyang iniibig ko
ako'y tanggapin mo sa buhay mo
at masaya di kana mag-iisa

"ITyuserang"

Para tayong mga bata
naghahabulan sa kalsada
pinagtitinginan tayo ng iba
pero wala tayong paki sa kanila

ityuserang palaka lang pala
kala ko naman sinong umieksena
paepal lang naman sila
gusto pa atang bumida

agaw pansin gusto nila
dating naman ay pangkontra
wala naman silang mapapala
sa pagiging ityusera

walang ibang isabubunganga
kundi ang tsismis nila
sa buong baryo inaarangkada
nais pa atang sa TV ibalita

Pati tayo napansin pa
binigyan rin ng salita
mga di totoong kataga
ang kanilang ipinamamalita

" TAkot na akong umibig"

Ako'y minsan ng nabigo
sinaktan na nga kanya pang ginago
sa sobrang sakit ng nadama ko
muhi at poot sa puso namuo

sinarado na ito sa iba
kahit ako'y bata pa
ayaw ng magmahal pa
pagkat ako ay takot na

sabi nila nasasabi ko lamang ito
pagkat ako'y nasaktan ng husto
kahit ako'y nagmahal ng totoo
ako'y kanyang linaro at di sineryoso

ang umibig ako'y takot na,
pagkat ayaw ko ng masaktan pa
ako'y sobrang nadala
sa kanyang ginawa

pag-ibig nyo sa akin wag ng ipilit
hwag na rin kayong mangulit
itigil na ang paghirit
pagkat ako'y di nyo mapipilit...

"DUWAG"

Marami pa kong di nararanasas
marami pang dapat subukan
ngunit ako'y natatakutan
ayaw kong sundin ang nararamdaman

Alam kong sa kanya'y umiibig na ako,
subalit ayaw ko paring magpakatotoo,
nais maitanong "ako ba'y mahal mo?"
ngunit takot ang nasa isipa't puso ko

Duwag ang tawag nila
ngunit ito'y aking binabalewala
ako'y duwag ito'y aking napuna
pag iyong kinakausap di man lang makapagsalita

lalo na pag andyan ka na
sa king harapan at nakatingin sa aking mata
pag sasabihin ang kataga
parang kinder na alam lang ang abakada

ang boses ko'y nanginginig
ako sayo'y sadyang umiibig,
ngunit pano ko sayo maipapahiwatig
kung ang puso ko'y duwag at di ko maisatinig